Kabulukan ng ating pamahalaan ang
dahilan kung bakit nag hihirap ang bawat isa sa ating bansa. Minsan ba
naitatanong natin sa ating mga sarili kung saan ba napupunta ang ating mga
pera? Kung napupunta ba ito sa nararapat puntahan? Papaano kung sabihin ko
sainyo na sa ating pamahalaan lang den napupunta ang mga pinaghirapan nating mga
pera .
Isang Pagbati ng Magandang araw po sainyong lahat
na nakikinig.
Ang korapsyon ang paboritong
gawin ng mga taong nasa likod ng ating pamahaalaan, Isa ito sa dahilan kung
bakit hindi umuunlad ang ating bansa. Ang isyu na eto ay hindi na nawawala sa taon
na taon na problema ng ating bansa. Nakanino nga kaya ang problema nasa ating mga ordinaryo na pilipino o nasa mabagal nating aksyon?
Taon-taon ay nawawalan tayong ng milyon milyon na salapi na
para sana sa mga pondo para sa Agrikultura,
Kalusuguan ng bawat Pilipino at Edukasyon. Dahil sa isyu na ito ay madami nang
naapektuhan tulad ng marami nang kabataan ang hindi nakakapag aral , Maraming
pamilya ang nagugutom dahil sa lugmok na ang ating bansa sa kahirapan.
Marami nang tao sa ating
pamahalaan ang napatunayan na nagkasala ng korapsyon sa ating bansa, Ngunit
hindi ko lubos na maisip bakit hanggang ngayon ay hindi maitigil ang korapsyon
sa pilipinas? Hindi ba natatakot makulong ang mga taong nasa likod nitong isyu
na ito? Dahil ang tanging solusyon sa kahirapan ay ang pagtutulong tulungan ng
bawat isa sa ating bansa.
May pag asa paba ang ating bansa
na makaahon sa kahirapan? May pag asa paba na maibalik ang mga perang
pinaghirapan ng bawat isa sa atin ? Sana hindi na tayo nag kukulang sa mga pang
araw araw natin na pangangailangan, Sana
lahat ng kabataan ay mag pagkakataon makapagtapos para matupad ang pangarap ng
bawat isa sa atin , Sana lahat tayo ay may pag kakataon makapag trabaho , kung
sana hindi bulok ang ating pamahalaan edi sana hindi tayo nagdurusa sa paghihhirap
ngayon.
Hanggang kailan tayo aasa sa
pamahalaan na masolusyunan ang problema na ito , Kapag ba wala na tayong pag
asa na masolusyunan ito. Sino pa baa ng kikilos para buhay natin ay maging
maayos? Hindi ba’t tayo tayo ring mamamayamn , kaya dapat tayo ay magtulungan. Kaya dapat tayong mga mamamayan
ay isipin kung ano ang tama , tayo mismo
ang nag luluklok kung sino dapat ang mga uupo sa ating pamahalaan, kaya dapat
ay nag dedesisyon tayo kung sino ba talaga ang mga karapat dapat at katiwa
tiwala umupo para mamahala sa ating bansa
Huwag natin sayangin ang kakayahan natin at ang mga karapatan njkatin bilang isang pilipino. Isaisip ang bawat isa, gawin ito hindi lang para sa sarili kundi para sa bawat isa sating pilipino.
Tayo na't kumilos upang ating kinabukasan ay maging maayos.
Comments
Post a Comment